PBGen. Hansel Marantan/Facebook
Naisumite na ng Philippine National Police (PNP) sa National Police Commission (NAPOLCOM) ang rekomendasyon para sa pagpapalawig ng termino ni PBGen. Hansel Marantan.
Ito ang kinumpirma ni PNP Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. kasunod ng hiling ni Interior Sec. Jonvic Remulla na palawigin pa ng isang taon ang serbisyo ng opisyal.
Sa pulong balitaan sa Kampo Crame ngayong umaga, sinabi ni Nartatez na pinirmahan na niya bilang ex-officio member ng NAPOLCOM ang rekomendasyon at isinumite na ito sa lupon.
Sasalang ito sa masusing delibeasyon ng NAPOLCOM at sa pagpapasyahan kung aaprubahan ang kahilingan ni Remulla bilang chairman nito.
Magugunitang sinabi ng Kalihim sa kaniyang liham na kailangan pa ang serbisyo ni Marantan dahil sa mga hinahawakan nitong operasyon sa kasalukuyan.