Dinala na sa PNP General Hospital sa Camp Crame si Senator Rodante Marcoleta matapos sumailalim sa booking procedure.
Kaninang umaga ay naaresto si Marcoleta dahil sa kasong plunder kaugnay ng umano’y hindi pagdedeklara ng ₱75 milyong campaign donation sa kaniyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) at Statement of Contributions and Expenditures (SOCE).
Kanina sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla, sasailalim ang 72 taong gulang na senador sa masusing medical examination, kabilang ang electrocardiogram (ECG) at iba pang pagsusuri, upang matiyak ang kaniyang kalagayang pangkalusugan bago siya ilipat sa Quezon City Jail sa Payatas.
Sinabi ni Remulla, na inaasahang makukumpleto ang mga pagsusuri sa loob ng dalawang araw at ang magiging resulta nito ang isusumite sa Sandiganbayan.