Inilunsad ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Document Management System for Local Government Units (DMS4LGUs), isang nationwide digital platform para sa modernisasyon ng records management sa mga LGU.
Layunin ng programa na palakasin ang efficiency, transparency, at accountability sa lokal na pamahalaan alinsunod sa digital transformation agenda ng administrasyong Marcos Jr.
Ayon kay DILG Secretary Jonvic Remulla, ang DMS4LGUs ay bahagi ng LGUSS-CMIMS na naglalayong i-digitize at i-centralize ang mga opisyal na dokumento sa isang secure na sistema.
Libreng ibibigay ang platform sa lahat ng LGU sa buong bansa upang mapabilis ang transaksyon at mapabuti ang koordinasyon ng mga tanggapan.
Sinabi ni Remulla na mababawasan nito ang papel na proseso at mapapahusay ang serbisyo publiko sa pamamagitan ng mas mabilis at maayos na records management.
Bago ang nationwide rollout, isinailalim muna ito sa pilot testing sa piling probinsya, lungsod, at bayan upang masigurong akma ito sa pangangailangan ng mga LGU.