Kinumpirma na nga ng tagapagsalita ng defense team na si Atty. Michael Poa na hindi dadalo ng personal o magpapakita ngayong araw si Vice President Sara Duterte sa pagsisimula ng impeachment trial laban sa kanya.
Hindi naman idinetalye ni Atty. Poa kung ito ba ay personal na desisyon o payo ng kanyang legal team pero hindi naman din ibig sabihin nito na hindi na dadalo ang Bise President sa mga susunod pang pagdinig.
Sa ngayon, aniya, ang ginagawa ng Bise Presidente ay maghanda para sa paparating na super typhoon sa bansa.
Kahit naman aniya hindi dadalo ang Bise Presidente ay handa naman ang kanyang defense team na sagutin ang walang basehan na mga paratang sa kanya.