Ibinasura ng Sandiganbayan 3rd Division ang urgent motion for furlough ni dating Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. para makadalo sa burol ng kanyang kapatid noong June 27 o 28.
Sa inilabas na resolusyong may petsang June 26, tinukoy ng korte na bagama’t kinikilala nito ang pagpanaw ng kapatid ng dating senador, hindi ito maituturing na isang emergency situation na magbibigay-daan para makalabas siya ng kustodiya.
Ayon pa sa Sandiganbayan, mangangailangan din ng dagdag na seguridad at tauhan mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang hiling na ito ni Revilla.
“It would also unduly create an impression on the public that accused, being a former high-ranking public official, is a favored detainee over and above other similarly situated detainees.”
Nahaharap si Revilla at ang kanyang mga kapwa akusado sa kasong malversation kaugnay ng umano’y ₱92.8 milyong ghost project sa Pandi, Bulacan.