CREATOR: gd-jpeg v1.0 (using IJG JPEG v62), quality = 90?
Naghahanda na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa posibleng epekto ng Super Typhoon Bavi.
Ayon kay LTFRB Chair Vigor Mendoza II, inatasan na ang lahat ng regional offices na makipag-ugnayan sa mga local disaster council at sa PAGASA upang matiyak ang kaligtasan ng mga biyahero.
Inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyo mamayang gabi o bukas ng umaga at tatawaging “Inday.”
Maglalabas ang LTFRB ng travel advisories para sa mga bus, UV Express at iba pang pampasaherong sasakyan, lalo na sa mga lugar na maaaring makaranas ng malalakas na ulan at hangin.
Pinapayuhan ang publiko na subaybayan ang mga opisyal na abiso ng mga awtoridad at planuhin ang kanilang biyahe upang maiwasan ang panganib dulot ng masamang panahon.