Hindi pa maaaring lumabas ng Philippine National Police (PNP) General Hospital sa Kampo Crame si Senador Rodante Marcoleta.
Ito ang inihayag ni Police Lt. Col. Benaly Bayani, Chief of Internal Medicine ng PNP-GH bagaman stable naman ang kondisyon ng senador.
Gayunman, nilinaw ni Bayani na hindi “fit for trial” ang senador dahil dumaraing pa rin ito ng paninikip ng dibdib at batok.
Bukod dito, mataas pa rin ang kaniyang blood pressure na naglalaro sa 130 over 80 hanggang 140 over 100.
Samantala, kasama sa mga laboratory test na isinagawa kay Marcoleta ang ECG, blood chemistry test, X-ray, at 2D echo.
Nabatid na nag-fasting kagabi ang senador para sa kanyang mga laboratory test.
Pagkatapos lumabas ang laboratory result ay saka pa lang aalamin ang procedures o workups para sa senador.