Nakaalerto na ang Malabon City LGU sa posibleng epekto ng Super Typhoon na papasok ng bansa.
Pinulong na ni Malabon Mayor Jeannie Sandoval ang mga kinatawan ng City Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), iba’t ibang departamento, at ahensya para sa isang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA).
Layon nitong talakayin ang contingency plans at pagtutok sa mga flood-prone areas sa lungsod.
Pagtitiyak ng alkalde, naka-standby na ang lahat ng kagamitan at personnel ng pamahalaang lungsod para sa mabilis na pagtugon sa anumang emergency dulot ng masamang panahon.
Naabisuhan na rin ang mga barangay sa lungsod para tiyakin ang maayos na koordinasyon sakaling kailanganin ang pre-emptive evacuation.
Hinikayat naman ang mga residente na manatiling mapagmatyag, makinig lamang sa mga opisyal na abiso, at makiisa sa mga hakbang sa paghahanda.
📸 Malabon LGU

