Malacañang, patuloy sa paninindigang makabubuti na magpakita si VP Sara sa Senate impeachment court at harapin ang kanyang accusers
Hindi nagbabago ang tindig ng Malacañang hinggil sa dapat ay pagharap sa paglilitis ni Vice President Sara Duterte sa Senate impeachment court.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, mas maiging makaharap ng isang akusado ang mga indibidwal na nagdidiin sa kanya.
Bilang isang abugado, sinabi ni Castro na kung wala naman aniyang ginagawang mali ang Pangalawang Pangulo ay mabuting humarap ito at mapasinungalingan ang lahat ng akusasyon.
Kanina ay dumating ang Pangalawang Pangulo sa Senado subalit nagbigay lamang ito ng maikling statement at hindi naman humarap sa pagdinig.