Dumalo si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa First Semester Command Conference ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Camp Aguinaldo ngayong araw.
Ito ay upang maibahagi sa Pangulo ang mga nagawa AFP sa mga nakalipas na buwan.
Sa pulong balitaan sa Camp Aguinaldo, sinabi ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. na nagsimula ang pulong sa presentasyon ng mga accomplishemennt ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas at nagtapos sa mga hakbang na isasagawa sa hinaharap.
Ayon kay Brawner, kabilang sa natalakay ang internal security operations kung saan binigyang diin ang tagumpay sa pagbaba ng bilang ng mga New People’s Army (NPA) o local terrorist fighters at paghina ng kanilang impluwensiya sa mga komunidad.
Bukod dito, natalakay din aniya ang sitwasyon na kinakaharap ng bansa sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Brawner na iniulat ng AFP sa Pangulo ang tuloy-tuloy na maritme operations kasama ang Philippine Navy, Philippine Coast Gurad, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, at iba pang ahensya ng pamahalaan.
Napag-usapan din sa command conference ang mga isinasagawang joint military activities kasama ang Estados Unidos at iba pang mga kaalyadong bansa ng Pilipinas.
Binigyang-diin din ng Brawner na isa sa mga highlight ng pulong ang pagdiriwang ng ika-10 Taong Anibersaryo ng 2016 Arbitral Victory sa July 12 at iginiit na tuloy-tuloy ang pagpapatupad nito.