Ipinresenta ni NBI Agent John Mark Calilung ang mga ebidensya o video na nakalap nya ng umano’y pagbabanta ni Vice President Sara Duterte.
Sa pageexamine sa kanya ni Counsel for Prosecution na si Atty. Virgil Litugan sinabi ni Calilung na kasama sa mga na-preserve at na-authenticate nyang video ay ang pagbabanta ng bise noong November 23, 2024.
Dito sinabi ni Vice President Sara Duterte sa isang online press conference na may kinausap na umano sya para patayin si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr, First Lady Liza Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.
Tiniyak naman ng NBI agent na bago nya ito ipresenta bilang ebidensya ay humingi sya ng abiso sa Meta na ippreserve ang video at inacknowledge ito saka nya na-authenticate.
Bukod naman sa video noong November, nagkaron ng isa pang open source investigation ang NBI at nakakita ng iba pa umanong video ng “grave threats” ng bise ito naman ay noong October 18, 2024 kung saan sinabi nya na gusto nyang tanggalin ang ulo ng pangulo.
Sinubukan namang i-object ng defense team ang mga ebidensya pati na rin ang authentication ng NBI Agent dahil ang mga ipinresenta ay photocopy pero ang impeachment court pinayagan ang pagpresenta nito. | ulat ni Louisa Erispe