Isinailalim sa imbestigasyon ng Land Transportation Office (LTO) ang dalawang hepe sa National Capital Region (NCR) matapos mahuli ang tatlong hinihinalang fixer sa entrapment operation.
Nahuli ang mga suspek sa LTO West Manila District Office at East Avenue Central Office dahil sa umano’y illegal na pagproseso ng driver’s permit at driver’s license.
Dahil dito, nagsagawa ang LTO ng region-wide reshuffle ng mga hepe sa NCR upang paigtingin ang kampanya laban sa katiwalian.
Ayon kay LTO Chief Markus Lacanilao, sisiyasatin kung may mga nagpabaya o nagbigay-proteksiyon sa mga fixer.
Hinikayat naman ng LTO ang publiko na iwasan ang mga fixer at iulat ang ano mang kahina-hinalang transaksyon sa opisyal na mga channel ng ahensya.