Nagpahayag ng seryosong pagkabahala ang National Security Council (NSC) sa paglulunsad ng China ng intercontinental-range ballistic missile sa Timog Pasipiko.
Sa isang pahayag sinabi ni NSC Secretary Eduardo Oban Jr. na bagama’t itinuturing ng China na “routine” ang missile launch, may epekto aniya ito sa regional security.
Ayon kay Oban, ang naturang missile test ay nagdudulot ng pangamba at maaaring makaapekto sa katatagan sa rehiyon.
Binigyang-diin din ng NSC na ang kapayapaan at seguridad ng mga bansa sa Pasipiko ay hindi dapat maisantabi dahil sa pagpapakita ng military power.
Kasabay ng ika-10 anibersaryo ng 2016 South China Sea Arbitral Award, iginiit ni Oban na nananatiling mahalaga ang paggalang ng bawat estado sa karapatan ng ibang bansa.
Nanawagan din ang Pilipinas, kasama ang mga kaalyadong bansa nito sa Pasipiko ng transparency at konkretong hakbang upang mapanatili ang katatagan sa rehiyon.