Pinulong ng DSWD Disaster Response Management Bureau (DRMB) ang mga Field Office upang higit pang mapaghandaan ang posibleng epekto ng Bagyong Inday.
Ayon kay DRMB Bureau Director Maria Isabel Lanada, tinalakay sa pulong ang pinakahuling weather update ng PAGASA at ang mga lugar na maaaring maapektuhan ng bagyo.
Iniulat ng bawat Field Office ang kanilang mga nakahandang pondo, relief goods, at iba pang paghahanda.
Inatasan din ang mga opisina na tiyakin ang kahandaan ng mga evacuation center at ng mga lokal na pamahalaan.
Ayon kay Lanada, patuloy na nakaalerto at nakahanda ang DSWD sa agarang paghahatid ng tulong sa mga pamilyang maaapektuhan ng bagyo.