📷 DSWD FIELD OFFICE 5 - BICOL REGION
Nagsimula nang mag-ani ng mga pananim ang mga partner-beneficiaries ng Project LAWA at BINHI ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol, bilang paghahanda sa inaasahang epekto ng Bagyong Inday.
Layunin ng maagang pag-aani na matiyak ang sapat na suplay ng pagkain at maiwasan ang posibleng pagkalugi sa mga pananim sakaling lumala ang kondisyon ng panahon.
Sa kabuuan, umabot sa 400 kilo ng iba’t ibang gulay ang naani mula sa mga communal garden sa anim na lalawigan sa rehiyon. Pinakamalaki ang naitala sa Masbate na may 195 kilo ng ani na nagkakahalaga ng ₱9,585.
Ayon sa DSWD Bicol, bahagi ito ng layunin ng Project LAWA at BINHI na palakasin ang food security at disaster preparedness ng mga bulnerableng komunidad. | ulat ni Syrl Anne Luzon | RP Albay
📷DSWD FIELD OFFICE 5 – BICOL REGION