Nagsagawa ng coordination meeting ang National Electrification Administration (NEA) Disaster Risk Reduction and Management Department (DRRMD) sa mga electric cooperative (EC) sa Luzon na posibleng maapektuhan ng Super Typhoon Inday.
Kabilang sa tinututukan ngayon ang mga electric coop sa Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol Region, at Cordillera Administrative Region (CAR).
Pinayuhan na ang mga itong mag-full alert at ipatupad ang lahat ng kinakailangang paghahanda para matiyak ang mabilis na pagtugon at maibalik agad ang suplay ng kuryente sakaling maapektuhan ng bagyo.
Tiniyak naman ng NEA na nakahanda rin ang Task Force Kapatid para mapabilis ang pagpapanumbalik ng suplay ng kuryente kung magkakaroon ng malawakang brownout.
Ayon naman kay NEA DRRMD Manager Engr. Eric Campoto, dapat unahin ng mga electric cooperative ang kaligtasan ng kanilang mga lineworker sa oras ng restoration operations.
📸 NEA

