Mahigpit na ang isinasagawang monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) sa naging moderate explosive eruption ng Bulkang Kanlaon, nitong Huwebes.
Sa panayam ng programang BOSES kay PHIVOLCS Volcano Monitoring and Eruption Prediction Division Chief Ma. Antonia Bornas, sinabi nitong partikular na tinitingnan ngayon ng PHIVOLCS ang dalas ng mga moderate explosive eruption, dahil oras na maabot ang kinakailangang threshold ay posibleng itaas na rin ang kasalukuyang alert level ng Kanlaon.
Tinitingnan ding senyales ngayon ng PHIVOLCS ang mga nagaganap na moderate eruption sa napipintong major magmatic eruption, kaya dapat ding mag-doble ingat at paghahanda na ang mga lokal na pamahalaan sa Negros Island Region at mga karatig lalawigan.
Tinututukan na rin ngayon ng PHIVOLCS ang assessment sa naganap na ashfall at ang pagtiyak sa air quality sa mga apektadong lugar.