Kinumpirma ni Department of National Defense (DND) Sec. Gilberto Teodoro Jr. na may nilulutong bagong “Security arrangement” ang pamahalaan para sa malayang pangingisda ng mga Pilipinong mangingisda sa Bajo de Masinloc.
Ani Teodoro, ayaw muna niyang idetalye ang plano upang hindi ito ma-kompromiso at matiyak ang pagpapatupad nito.
Paglilinaw pa ng kalihim na ang nasabing “security arrangement” ay hindi isang joint fishing kasama ang China.
Binigyang-diin din ng opisyal na nananatili ang commitment ng pamahalaan na itulak at mas idiin pa ang territorial integrity ng bans sa West Philippine Sea.