Inaanyayahan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang publiko na makiisa sa National Peace Walk at MuSeaKalayaan 2026 sa Hulyo 12, bukas, araw ng Linggo, sa ganap na 5:00 ng umaga sa Quirino Grandstand sa Lungsod ng Maynila.
Bahagi ng programa ang paggunita sa ika-10 anibersaryo ng 2016 South China Sea Arbitral Award. Hinihikayat ang mga dadalo na magsuot ng puting damit bilang simbolo ng pagkakaisa at kapayapaan.
Matapos ang Peace Walk, susundan ito ng MuSeaKalayaan 2026 na tampok ang iba’t ibang pagtatanghal, kabilang ang Philippine Coast Guard Combo.
Bukas ang aktibidad sa publiko. Makikita naman sa Facebook page ng PCG ang link para sa registration.
Ang 2016 South China Sea Arbitral Award ay desisyong inilabas ng International Arbitral Tribunal na nagpawalang-bisa sa malawakang maritime claims ng China sa South China Sea at kinilala ang karapatan ng Pilipinas sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS.