Ikinabahala ni National Security Adviser, Secretary Eduardo Oban Jr. ang pahayag ng Chinese scholars na ang Batanes ay bahagi ng teritoryo nito.
Buong paninindigang sinabi ni Oban na bahagi ng Republika ng Pilipinas ang Batanes, at walang anumang kuwestyon ukol dito.
Mahalaga din aniyang mapag-ukulan ito ng pansin, ngayon at mamarkahan na ang ika-10 anibersaryo ng 2016 Arbitral Ruling.
Isang taon mula noong makamit ng Pilipinas ang tagumpay, nananatili aniya ang mga hamon at aral sa naturang panalo.
Ayon kay Sec. Oban Jr., hindi lamang nanalo ang Pilipinas ng mga argumento sa Arbitral Ruling kundi prinotektahan din nito ang sariling teritoryo, mismong mga Pilipino, at ang hinaharap ng bansa.
Binigyang-diin din ng kalihim na ang naturang award ay paalala sa walang-basehang naratibo ng China na kalaunan ay ginamit bilang isang claim para isa-normal, at bigyang-katwiran ang kanilang pananatili at pangangamkam sa West Philippine Sea.