Photo courtesy of Aletheia Publishing
Upang lalo pang maunawaan ang mga karanasan ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community, inilunsad ng Iligan-based at award-winning author na si Lourd Greggory Crisol ang kauna-unahang queer poetry book sa wikang Bisaya na pinamagatang “Pagbuswak”.
Tampok sa koleksiyon ng mga tula ang mga tanawin, tunog, lasa, at damdamin ng Iligan City, kasabay ng mas malalim na paglalarawan sa buhay ng mga “kabayotan” o queer sa lungsod gamit ang wikang Bisaya.

Ayon kay Crisol, ang salitang “pagbuswak” na nangangahulugang “pagbubukas” ay nagsisilbing metapora sa paglalakbay mula sa pangungulila at kabiguan hanggang sa pagtanggap at tagumpay.
Bukod dito, layon din ng akda na ipagdiwang ang mayamang kultura, panitikan, at pang-araw-araw na karanasan ng queer community sa Iligan City.
Inilathala ang Pagbuswak kasabay ng pagdiriwang ng Pride Month noong Hunyo sa ilalim ng Aletheia Publishing, katuwang ang Pamahalaang Lungsod ng Iligan.