Photo courtesy of DPWH
Mabilis na naisaayos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang ilang kalsadang nasira ng mga nagdaang pag-ulan.
Kabilang na rito ang Callawa Bailey Bridge 2 sa Davao City na gumuho noong Mayo at agad naisaayos makalipas lamang ang halos dalawang buwan.
Dahil dito, tuloy-tuloy nang nakakadaan ang mga motorista sa tulay na malaking tulong sa mga mamamayan
Una nang ipinag-utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pabilisin ang kontraksyon sa mga imprastraktura na nasira ng kalamidad.
Bukod dito ay natapos na rin ang clearing operation sa mga kalsada sa Mindanao kasunod ng mga landslide.