Napabilang si Labor and Employment Secretary Francis Tolentino sa mga top-performing Cabinet officials ng administrasyong Marcos.
Batay sa public satisfaction survey ng market research firm na Tangere, nakuha ni Tolentino ang Top 4 o pang-apat na puwesto.
Nakapagtala si Tolentino ng 42 porsiyentong satisfaction rating sa nationwide survey na isinagawa mula June 23 hanggang 27.
Sinukat sa survey ang kasiyahan ng publiko sa pamumuno at pagganap ng mga miyembro ng Gabinete, kabilang ang serbisyo, pagiging maagap, at pagiging epektibo ng mga ahensya.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), sumasalamin ang resulta sa layunin ni Tolentino na gawing isa sa pinakamahusay na ahensya ang departamento sa pamamagitan ng mga reporma sa job placement, kapakanan ng mga manggagawa, at maayos na ugnayan ng labor at management.
Nauna nang sinabi ni Tolentino na ang mga polisiya at programa ng DOLE ay dapat nakabatay sa batas, kapakanan ng mga manggagawa, at paglago ng ekonomiya.
Isinagawa ang survey sa 1,500 kalahok sa buong bansa gamit ang mobile application at stratified random quota sampling.