Patuloy na nadaragdagan ang bilang ng mga napapaulat na nasawi kasunod ng paghagupit ng habagat na pinalakas ng nagdaang bagyong Inday.
Batay sa inilabas na datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga, pumalo na sa 21 ang napaulat na bilang ng mga nasawi.
Mula sa naturang bilang, 10 ang mula sa SOCCSKSARGEN region, 7 sa Northern Mindanao habang tig-1 naman sa Western Visayas at Davao region.
Samantala, aabot sa 154, 472 pamilya o katumbas ng 738,407 indibiduwal ang bilang ng mga apektado ng sama ng panahon sa mga rehioyon ng Cagayan Valley, Central Luzon, MIMAROPA, Western Visayas, Negros Island Region.
Gayundin sa Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Davao region at sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Sa naturang bilang, ini-ulat ng NDRRMC na nasa 4,000 pamilya pa ang nananatili sa evacuation centers.