Nagsagawa ng inspeksiyon si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.sa Navotas Fish Port Complex na isa sa mga pangunahing bagsakan at sentro ng bentahan ng isda sa bansa.
Ayon sa Pangulo, personal siyang nagsagawa ng pagsusuri sa nagpapatuloy na rehabilitasyon ng mga pasilidad nito upang matiyak na nakakasabay ang imprastraktura sa lumalaking pangangailangan ng sektor ng pangingisda.
Kaugnay nito, sinabi ni Philippine Fisheries Development Authority Acting General Manager Glenn Pangapalan na ongoing din ang rehabilitasyon sa halos siyam na regional fishing port sa bansa.
Kapag naayos, aniya, ang fishing port sa Navotas, magkakaroon ito ng domino effect sa regional, provincial, hanggang municipal level.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang ilan nating mga kababayang nakakabenepisyo na ng ginagawang rehabilitasyon ng Navotas Fish Port.