Bisita mamayang gabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Filipina tennis star Alex Eala.
Alas-6:30 ng gabi inaasahan ang pagkikita sa Malacañang ng Pinay Tennis superstar at ni Pangulong Marcos na siyang mangunguna sa inorganisang homecoming reception sa Pinay athlete.
Ang panalong laban ni Eala kay Polish Tennis superstart Iga Natalia Świątek nitong nakaraang July 4 ang itinuturing na isa sa pinakamalaking tagumpay sa karera ni Eala lalo’t naging World No. 1 sa Women’s Singles ang taga-Poland na tennis star na kanyang tinalo.
Ganunpaman, nabigo naman ang pambato ng Pilipinas sa kanilang laban ni Italian tennis player Jasmine Paolini nitong July 6 dahilan para magtapos ang kampanya ni Eala sa Wimbledon.
Una dito’y ipinahayag ng Pangulo na nagsisilbing inspirasyon si Eala lalo na sa mga kabataan habang ang buong sambayanang Pilipino aniya ay nakasuporta sa kanya.