Nagpaabot ng pasasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga tinaguriang friends and partners sa buong Mundo na nanindigang kasama ang Pilipinas upang ipaglaban ang rules-based order.
Ayon sa Pangulo, ang legasiya ng 2016 Arbitral Award ay patuloy na nailalahad at ang responsibilidad na itaguyod ang pundasyon nito ay nasa pamahalaan na.
Nasa kamay din ito ng mga diplomat at bawat mamamayang naniniwalang makakamit ang kapayapaan sa pamamagitan ng rule of law.
Nawa, sabi ng Punong Ehekutibo, ay mabigyang-diin sa susunod pang dekada kung ano ang sama-samang nakamit sa gitna ng pangakong proteksiyunan ang mahihina, bantayan ang ating karagatan, at makamit ang payapang mundo.