Eksakto 2:35 ngayong hapon (July 14), nanumpa na sa pwesto si Dr. Jose Brittanio Pujalte Jr., bilang bagong kalihim ng Department of Health (DOH).
Mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang nangasiwa ng oath-taking ni Pujalte, bago tumulak ang pangulo sa Singapore para sa tatlong araw na working visit (July 14 – 16).
Si Pujalte ay isang veteran orthopedic surgeon.
Nakapaglingkod na rin ito bilang Career Public Health Administrator nang higit tatling dekada sa serbisyong publiko.
Una na rin itong nag-lingkod bilang pangulo ng Philippine Orthopedic Association at ASEAN Orthopaedic Association.