Hindi muna maglalabas ng komento ang Department of Justice kaugnay sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Justice spokesperson Atty.Polo Martinez ito ay bilang pag galang sa impeachment court.
Ginawa ang pahayag kasunod ng katanungan ni Senator Erwin Tulfo nitong Lunes sa pagdinig sa impeachment trial ni VP Sara kay NBI Regional Director Jeremy Lotoc.
Tinanong ni Sen.Tulfo kay Lotoc bilang testigo ng prosecution kung bakit tumagal ang preliminary investigation ng DOJ sa umano’y pagbabanta ni VP Sara laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Samantala sinabi naman ni Justice Spokesperson Atty. Martinez na aaksyunan at reresolbahin aniya ng Kagawaran ang reklamo sa tamang panahon at alinsunod sa due process . | ulat ni DK Zarate