Pinalalakas ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang koordinasyon para sa pagpapatupad ng Executive Order Number 117, Series of 2026.
Sa pulong nina BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza at DSWD Secretary Rex Gatchalian, tinalakay ang pagpapabilis ng accreditation ng Social Welfare and Development Agencies (SWDAs).
Sa ilalim ng EO 117, ang DSWD ang itinalagang tanging accrediting authority, habang katuwang ang BIR sa pagkilala at accreditation ng mga kwalipikadong donee institution.
Layunin ng dalawang ahensya na matiyak ang mas mabilis, malinaw, at transparent na proseso ng accreditation.
Kasabay nito, paiigtingin din ang mga mekanismo para sa pananagutan at mas epektibong pangangasiwa.
Samantala, inihahanda na ng BIR ang implementing revenue regulations upang ganap na maipatupad ang mga probisyon ng executive order.