Pangugunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang inagurasyon ng Phase I ng Meralco Terra (MTerra) Solar Project, sa Gapan, Nueva Ecija.
Ang proyektong ito, nakikitang magiging pinakamalaking integrated solar at battery storage facility.
Malaki rin ang maitutulong ng proyektong ito sa effort ng Marcos Administration na palawigin ang renewable energy at upang patatagin ang power supply ng Pilipinas.
Kung matatandaan, noong 2024 nang unang i-groundbreak ang proyektong ito.
Ang Phase I ng proyektong ito ay nasa 91% nang kumpelto, at inaasahang ganap na magiging operational sa August, 2026.
Ang Phase II naman ay sisimula na rin ngayong taon, at target makumpleto sa 2027.
Sa oras na maging fully operational, ang proyektong ito ay inaasahang magbibigay kuryente sa 2.4 million Filipino households at makakabawas sa carbon emissions nang hanggang 4.3 million metric tons kada taon.
Kung matatandaan, noong 2024 nang unang i-groundbreak ang proyektong ito.
Makakasama ng Pangulo sa aktibidad na ito si First Lady Louise Araneta-Marcos, Acting Executive Secretary Ralph Recto, at Energy Secretary Sharon Garin.