Walang naitalang mga nasaktan o nasawi sa mga Pilipinong naninirahan at nagtatrabaho sa bansang Kuwait matapos ang mga serye ng pag-atake ng Iran.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas World Service Kay Philippine Ambassador to Kuwait Jose A. Cabrera III, sinabi nito na halos sanay na ang mga Pilipino roon mula sa mga ganitong uri ng emergency situation.
Alam na rin ng mga ito ang mga safety procedure buhat sa ilang buwang karanasan sa kaguluhan doon.
Ayon pa kay Ambassador Cabrera, mayroong mga emergency siren at advisory sa mga mobile phone na maririnig ang mga residente roon kapag may mga insidente ng missile at drone attack sa rehiyon.
Sinabi rin ng opisyal na tuloy-tuloy pa rin ang ginagawang repatriation program ng pamahalaan ng Pilipinas para sa mga Pilipinong nangangailangan ng tulong at nais nang makauwi ng bansa.