Photo courtesy of Department of Finance (DOF)
Inilatag ni Finance Secretary Frederick D. Go ang 2026 hanggang 2028 Strategic Investment Priority Plan o SIPP na naglalayong makahikayat ng mga pamumuhunan, lumikha ng mas maraming trabaho at palakasin ang mga industriya sa bansa.
Sa paglulunsad ng nationwide domestic roadshow, sinabi ni Go na nakatuon ang SIPP sa mga proyektong makatutulong sa pang matagalang pagbabago at pag-unlad ng ekonomiya.
Nakapaloob sa plano ang mga prayoridad na gawaing maaaring pagkalooban ng insentibo sa ilalim ng binagong Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises Act.
Target din ng pamahalaan na makabuo ng mas makabago, matatag at competitive na ekonomiya sa pamamagitan ng mas estratehikong promosyon ng investment.