Umabot sa mahigit 12,000 pamilya o 43,000 indibidwal sa Western Visayas ang naapektuhan ng habagat na pinalakas ng Bagyong Inday.
Batay ito sa pinakahuling situation report ng Office of Civil Defense (OCD) Region 6.
Pinakamaraming naapektuhan ang lalawigan ng Iloilo na may mahigit 9,000 pamilya.
Nakapagtala rin ng mahigit 2,400 pamilya na apektado sa Antique, 1,168 pamilya sa Aklan, at dalawang pamilya sa Guimaras.
Samantala, namahagi ang mga lokal na pamahalaan at ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng mahigit ₱6 milyon na halaga ng food packs at non-food items para sa mga naapektuhang residente.