Pag-aaralan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang tamang aksyon sakaling makatanggap ng kahilingan na buksan ang kahon na naglalaman ng tax records ni Vice President Sara Duterte at kaniyang asawa na si Manases Carpio.
Pahayag ito ni Palace Press Officer Atty. Claire Castro matapos tutulan ni Senador Panfilo Lacson ang sapilitang pagbubukas ng kahon nang walang pahintulot ng Pangulo.
Nilinaw naman ng Malacañang na wala pang natatanggap na request ang Punong-Ehekutibo ukol dito.