Photo courtesy of Senate of the Philippines
Hindi na muna magkokomento si NBI Director Melvin Matibag patungkol sa libel at cyber libel compalint na inihain laban sa kanya ni Davao 1st District Representative Paolo Pulong Duterte
Ang reklamong ito ay kung saan kasama nya ang umanoy dating security aide na si Rodulfo Gracioso Jr at ilang executives mula sa GMA Network
Ayon kay Matibag, bukod sa hihintayin pa nya ang kopya ng reklamong inihain sa kanya hindi naman mapipigilan si Congressman Duterte kung nais nitong magsampa ng reklamo
Pero humirit si Matibag na ginagawa nya lang ang kanyang trabaho at bahala na ang justice system ng sa magiging takbo nito
Giit pa ni Matibag basta lahat ng ginagawa niya bilang hepe ng NBI ay naaayon sa ebidensya. | ulat ni Louisa Erispe