Nangako ang rice supplier na magdadagdag ng 10 kilong bigas matapos magkulang ng dalawang kilo ang ipinamigay sa Mandaluyong City, sa ilalim ng ‘Bawat Barangay Makikinabang” program.
Ayon kay Palace Press Officer Atty. Claire Castro, inamin ng supplier ang kanilang pagkakamali at humingi ng paumanhin.
Tinatayang 50 sako ang sinasabing nagkulang ng dalawang kilo ng bigas.
Hindi naman aniya nais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang ganitong insidente at ayaw na mabawasan o hindi maibigay nang buo ang para sa taumbayan.
Samantala, blacklisted na ng Mandaluyong-LGU ang naturang supplier at iniimbestigahan ang tungkol dito.