Photo courtesy of Department of Transportation (DOTr) Facebook
Kumpiyansa ang Department of Transportation (DOTr) na papunta na ang bansa sa exciting part ng mga programa para sa commuters.
Ayon kay Timothy John “TJ” Batan ang Undersecretary for Planning and Project Development ng Department of Transportation (DOTr), plano nilang ilunsad ang modernong Philippine automated fare collection system.
Paliwanag ng opisyal ang nabanggit na sistema ang isa sa pinaka interoperable system hindi lang sa rehiyon kung hindi maging sa buong mundo.
Dagdag pa ni Batan, na iba’t ibang pribadong sektor mula sa iba’t ibang mga bansa ang nagpahayag na ng interes na tumulong. Makibahagi at makiisa sa Philippine automated fare collection system.
Aniya, lahat ng ito ay bunsod ng utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkaroon ng mas kombinyenteng karanasan ang commuters.