Nasa 2,216 Help Desk ang itinatag ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa sa pamamagitan ng Women and Children Protection Center (WCPC).
Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio C. Nartatez Jr., layunin ng programa na mahikayat ang agarang pag-uulat ng mga insidenteng maaaring magbanta sa kaligtasan ng mga bata.
Kasabay nito, pinaigting din ng PNP ang nationwide awareness campaign laban sa karahasan, pang-aabuso, exploitation, at harassment sa kababaihan at mga bata.
Kabilang dito ang mga awareness activity sa mga paaralan, tanggapan ng pamahalaan, pribadong institusyon, at iba pang establisimyento.
Matatagpuan ang mga Help Desk sa lahat ng Police Regional Offices (PROs) at iba’t ibang national support units upang maging mas madaling malapitan ng publiko.
Tiniyak ng PNP na magpapatuloy ang pakikipagtulungan sa Department of Education, mga local government unit, mga magulang, at komunidad upang matiyak ang ligtas na kapaligiran para sa mga mag-aaral.