Tuloy-tuloy ang pamamahagi ng ayuda sa mga magsasaka sa bayan ng Lambayong, Sultan Kudarat sa ilalim ng Presidential Assistance for Farmers and Fisherfolk Program (PAFFP).
Sa ikalawang araw ng payout, 2,210 magsasakang nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture (RSBSA) ang tumanggap ng tig-₱2,325.
Ayon sa Department of Agriculture, umabot sa ₱5.138 milyon ang kabuuang halagang naipamahagi sa mga benepisyaryo.
Magpapatuloy ang payout upang maabot ang iba pang kwalipikadong benepisyaryo sa iba’t ibang barangay sa Lambayong. Layunin ng programa na magbigay ng agarang tulong sa mga magsasaka at mangingisdang apektado ng iba’t ibang suliranin sa sektor ng agrikultura.