Pagpapaigting ng relasyon ng China at mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
‘Yan ang isa sa mga layunin ng isinasagawang “China Walk- Discover Shandong” Media Tour sa China.
Kabilang sa mga delegado mula sa Pilipinas ang Integrated State Media mula sa Radyo Pilipinas Radyo Publiko, PTV4, at IBC13.
Sa pamamagitan ng Integrated State Media (ISM) ng Presidential Communications Office (PCO), maghahatid ito ng mga impormasyon para mapalakas pa ang pagtutulungan sa cultural exchange, agriculture, at biotechnology.
Mga impormasyon na tiyak na makatutulong din para sa mga Pilipino gaya ng mga magsasaka at mga overseas Filipino worker (.
Alinsunod ‘yan sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tulungan ang mga Pilipinong magsasaka at mga ofw na itinuturing niyang mga bagong bayani.
Bukod sa Pilipinas, nakikibahagi rin sa naturang tour ang mga journalist mula sa Viet Nam at Indonesia.
Ang China -ASEAN media tour ay inorganisa ng China Media Group bilang bahagi ng 35th Anniversary ng China-ASEAN Dialogue Relations at 5th Anniversary ng China – ASEAN Comprehensive Strategic Partnership ngayong taon.