Binigyang-diin ng batikang litigador at private prosecutor na si Atty. Lorna Kapunan na marami pa ang ihaharap ang prosekusyon ng mga matitibay na ebidensya at testimonya ng mga testigo.
Binasag din nito ang hirit ng kampo ng depensa na bigo ang House prosecution na patunayan ang kaso laban kay Bise Presidente Sara Duterte.
Matapos ang ikalimang araw ng impeachment trial, sinabi niya na nakapagpresenta na ang prosekusyon ng mga competitive witnesses sa ilalim ng Article IV o ang kaso ng grave threats.
Sa katunayan, ayon kay Kapunan, nakapagpasok na ang prosekusyon ng 19 na documentary exhibits bilang ebidensya,
Habang papasok ang Senado sa oral arguments ngayong araw nito, sinabi ni Kapunan na muling susuriin ng prosekusyon ang kanilang listahan ng mga testigo bago magsumite ng panibagong abiso sa impeachment court sa susunod na Martes.