Ito ay matapos mag-viral ang isang video kung saan huli sa camera si Go habang sinisita ang isang guro.
ipinost pa umano ni Go ang video sa kanyang personal na social media page, sa kabila ng umiiral na utos mula sa pamunuan ng MMDA na nagbabawal sa ganitong uri ng aksyon.
ayon kay Tinio, di sapat ang suspensyon para sa isang opisyal na ginagawang ‘content’ para sa kanyang personal social media page, habang nasa oras ng trabaho.
Binigyang-diin ni Tinio na ang naging ugali ni Go ay nagpapakita ng mas malalim na kultura ng kayabangan at kawalan ng pananagutan sa loob ng ilang mga enforcement units.
Binalewala rin umano ni Go ang pakiusap ng guro na huwag i-post ang video, na nagpapakita ng kawalan ng respeto sa right to privacy at dignidad ng indibidwal kapalit lamang ng social media engagement.
Matatandaang noong nakaraang taon (Marso 2025), nasangkot na rin si Go sa isang katulad na insidente kung saan napilitan siyang maghain ng pormal na paumanhin sa Philippine National Police (PNP) at kay Capt. Erik Felipe. Ito ay matapos siyang batikusin nang i-shame o ipahiya sa publiko ang naturang pulis dahil sa illegal parking sa Quezon City.
Babala ng Deputy Minority Leader, hindi palalampasin ng Kamara ang isyung ito. anya maghahain ng pormal na resolusyon ang Makabayan Bloc upang paimbestigahan ang insidente sa sandaling magbalik ang sesyon ng Kongreso matapos ang State of the Nation Address (SONA). | ulat ni Melany Reyes