Inihayag ng House prosecution panel na gagawin muna nila ang lahat ng mga legal na opsyon bago hingin ang pahintulot ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa paglalabas ng mga tax records ni Bise Presidente Sara Duterte.
Sa isang press briefing, sinabi ni House Prosecutor at Manila 3rd District Rep. Joel Chua na nais iwasan ng panel na maabala pa ang Punong Ehekutibo maliban na lamang kung talagang kinakailangan.
Titiyakin muna aniya ng prosekusyon kung makukuha ng mga naturang rekord gamit ang iba pang legal na pamamaraan.
Ito ang naging tugon ni Chua sa tanong ng media kung nagpasya na ang prosekusyon na pormal na hilingin ang awtorisasyon ng Pangulo para sa mga tax records ng bise presidente. | ulat ni Melany Reyes