Inilunsad ng Department of Agriculture o DA ang Drone for Rice Project Demonstration sa Davao de Oro, na gumagamit ng drone technology sa produksyon ng palay.
Sa ilalim ng proyekto, 1,500 ektarya ang inilaan para sa drone-assisted rice production technologies sa lalawigan, kabilang ang 50 ektarya sa Barangay Linoan, Montevista.
Makakatanggap ang mga magsasakang kalahok ng P10,000 production assistance kada ektarya, kabilang ang libreng drone-assisted direct seeding, fertilizer spreading, soil ameliorant application, at pesticide spraying. Ayon sa DA, layunin ng proyekto na mapataas ang ani ng palay at mabawasan ang gastos sa paggawa at produksyon sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya.
📸: Provincial Govt. of Davao de Oro



