Tiniyak ng Department of Energy na magtutuloy tuloy ang pagbibigay ng subsidy sa mga PUV drivers kasunod ng pagtaas muli ng presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.
Sa isang panayam kay energy secretary Sharon Garin giit nya hindi mawawala ang sampung piso kada litro na subsidiya na pwedeng ma-avail ng mga tsuper sa mga accredited na gasolinahan.
Ang subsidiya nagsimula pa noong tumaas ang presyo ng langis dahil sa krisis sa Middle East.
Sa pinakahuling naman nasa 83 thousand nang mga tsuper ang naging benepisyaryo sa programa at umabot na sa 267 million ang pondong naipamahagi ng pamahalaan. | ulat ni Louisa Erispe