Photo courtesy of DSWD Secretary Rex Gatchalian Facebook
Target ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na maprotektahan hindi lamang ang mga pinakamahihirap, kung hindi maging ang low-income earners at lower middle-income class sa pamamagitan ng UPLIFT Assistance.
Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, idinisenyo ang programa para matiyak na hindi malulugmok sa kahirapan ang mga pamilyang malapit na sa poverty threshold, lalo na sa gitna ng patuloy na epekto ng oil crisis.
Paliwanag ng kalihim, batay sa simulation ng Asian Development Bank (ADB), kung walang agarang intervention mula sa pamahalaan, maaaring tumaas sa 16.2 milyon ang bilang ng mahihirap sa bansa.
Sa ilalim ng UPLIFT Assistance, tinatayang 1.2 milyong Pilipino ang mapoprotektahan laban sa pagbulusok sa kahirapan.
Ayon pa sa DSWD, inaasahang maaabot ng programa ang 70% ng mahihirap, 94% ng near-poor, 36% ng iba pang low-income households, at humigit-kumulang 10% ng lower middle-income class.