Walang-tigil ang mga hakbang ng Bureau of Immigration (BI) sa pagpapatupad ng modernization efforts sa mga paliparan upang mas gumanda at maging mas episyente ang Immigration services ng bansa.
Sa panayam ng programang BOSES kay Bureau of Immigration Deputy Spokesperson Melvin Mabulac, sinabi nitong karagdagang E-Gates ang nadagdag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminals 1 at 3, kaya naman mas magiging mabilis na ang proseso para sa mga pasahero.
Sa tulong din nito ay mas umigting ang security check ng Immigration Bureau, dahil sa integration na ginagamit dahil sa pagpapatupad naman ng Advance Passenger Information o API system.
Isinasapinal na rin ng BI ang procurement ng karagdagang E-Gates para naman sa iba pang paliparan sa iba’t ibang bahagi ng bansa.