Iginiit ng Armed Forces of the Philippines na magpapatuloy ang Rotation and Resupply (RoRe) missions nito sa West Philippine Sea, kahit may mga hamon mula sa China.
Sa Saturday News Forum, sinabi ni Ret. Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, AFP Spokesperson on the West Philippine Sea, na hindi kailangan ng militar na humingi ng pahintulot o magpaalam sa ibang bansa bago magsagawa ng sovereign activities.
Kabilang dito ang regular na RoRe missions, maritime patrols at maritime domain awareness operations, pati ang mga aktibidad ng AFP sa Pag-asa Island at iba pang features sa West Philippine Sea.
Sinabi ni Trinidad na ang defense at security operations ay nasa mandato ng DND at AFP, habang ang mga usaping diplomatiko ay iniiwan sa Department of Foreign Affairs.
Sa bawat operasyon, sariling performance ng AFP ang kanilang sinusuri upang matukoy kung ano ang dapat pagbutihin at iwasan sa mga susunod na misyon. Kasabay nito, sinabi ni Trinidad na patuloy ding tinututukan ng AFP ang foreign malign influence at mga banta sa seguridad na maaaring manggaling sa loob ng kanilang organisasyon.