Tinawag na “desperasyon” ni private prosecutor Atty. Lorna Kapunan ang biglang pagdami ng online trolls at mga personal na atake laban sa kanila.
Ayon kay Kapunan, layon lamang umanong ilihis ang atensyon ng publiko mula sa mga ebidensyang inilalatag sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay Atty. Kapunan, hindi dapat mapagkamalan ng publiko na tunay na sentimyento ng mamamayan ang pagdagsa ng troll accounts sa social media.
Ipinaliwanag ni Kapunan, na madaling manipulahin ang mga kampanya sa internet gamit ang teknolohiya, kung saan kayang gumawa ng iilang operator lamang ng ilusyon na tila napakarami ng sumusuporta sa isang panig.
Anya.. lumilihis na ang mga batikos laban sa prosecution sa halip na ipaliwanag ang legal na argumento mas pinipili na aniya ng mga ito na magpakalat ng mga personal na atake.